Pinaalalahanan ni Senador Panfilo ‘Ping’ Lacson ang publiko na huwag tangkilikin ang sinumang nagbebenta ng COVID-19 vaccine.

Sa tweet ng mambabatas, pinunto nito na libre ang pagpapaturok ng bakuna mula man sa national government, local government unit (LGU) o mga korporasyon.

“Libre po ito, manggaling man sa gobyerno, LGUs o mga korporasyon bilang kawanggawa sa kanilang mga empleyado at pamilya. Huwag magbabayad kahit kanino,” saad ni Lacson.

Giniit ni Lacson na ang labag sa tripartite agreement na gawing negosyo ang bakuna.

Ito’y kasunod ng balitang magsisimulang magbenta ng Moderna vaccine ang Philippine Red Cross simula susunod na buwan, P3,500 ang presyo sa dalawang dose.

Ayon kay PRC chairman Richard Gordon, ito’y para sa mga hindi na makapaghintay ng bakuna mula sa gobyerno.

Pinaliwanag din nito na hindi umano nila ginagawa ang pagbebenta para kumita ng pera.

Aniya, ang sinisingil na P3,500 at para mabawi ang kanilang binayad sa bakuna, kasama na rito ang gastusin sa kanilang administrative cost tulad ng mga personal protective equipment at iba pang pangangailangan ng kanilang tauhan.

The post Lacson: Libre ang bakuna, huwag magbayad kahit kanino! first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/lacson-libre-ang-bakuna-huwag-magbayad-kahit-kanino/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=lacson-libre-ang-bakuna-huwag-magbayad-kahit-kanino)