Dapat na magkaroon ng magtulong-tulong ang mga opisyal ng Pilipinas sa usapin ng West Philippine Sea kaysa sisihin ang isa’t isa, ayon kay Senador Panfilo ‘Ping’ Lacson.

“Ang irony nito at nakakalungkot, sa halip na magtulong-tulong tayong mga Pilipino, especially mga leaders, tayo pa nag-aaway-away sa usaping West Philippine Sea. Dapat iisa ang position natin. Yan ang nagpapakita ng weakness natin sa China,” saad ni Lacson sa DZXL.

Ito’y kasunod ng patama ni Pangulong Rodrigo Duterte kina dating Foreign Affairs Secretary Albert del Rosario at ex-Supreme Court Associate Justice Antonio Carpio kung saan giniit ng top executive na nakuha umano ng China ang WPS sa panahon nila.

“Isang tanong lang kay Carpio pati kay Albert. Kung bright kayo, bakit nawala ang West Philippine Sea sa atin? Panahon nyo yon eh. Panahon nyo na nandiyan kayo sa puwesto. Eh kung bright kayo, bakit nawala?” pahayag ni Duterte.

Dagdag pa ni Lacson, hindi dapat inuugnay ang agawan ng teritoryo sa WPS sa mga donasyong bakuna ng China.

“Dapat walang kinalaman ang dalawa,” ayon kay Lacson.

Naniniwala ang senador na dapat palakasin ng Pilipinas ang relasyon sa Amerika, Japan, Australia at Europe para mapanatiling balanse ang kapangyarihan sa pagitan ng China at PH.

“The US has indicated it is bound by our Mutual Defense Treaty but it is the Philippines that must make the initiative. The US cannot be more aggressive than we are in the disputed area,” aniya pa.

The post Lacson: Mga Pinoy na nag-aaway sa West PH Sea issue! first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/lacson-mga-pinoy-na-nag-aaway-sa-west-ph-sea-issue/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=lacson-mga-pinoy-na-nag-aaway-sa-west-ph-sea-issue)