Umabot na sa 514,655 katao ang fully vaccinated na laban sa coronavirus habang mahigit dalawang milyong indibiduwal ang naturukan na ng unang dose ng COVID-19 vaccine, ayon sa Department of Health ngayong Miyerkoles, Mayo 12.

Sabi ni Health Undersecretary Myrna Cabotaje, 2,539,693 doses naman ang nabakuna na sa 1,047 active vaccination site nationwide, as of May 11.

Sa 2,025,038 katao na naturukan ng unang dose, 1,195,381 ay mga health worker; 466,899 ang senior citizen; 353,842 ang mga persons with comorbidity at 8,916 ang mga essential worker.

Sa 514,655 fully vaccinated individual naman ay 355,242 ang mga health worker; 25,070 ay mga senior citizen at 134,343 ang mga persons with comorbidity.

The post Lagpas 514,000 Pinoy fully vaccinated na kontra COVID first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/lagpas-514000-pinoy-fully-vaccinated-na-kontra-covid/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=lagpas-514000-pinoy-fully-vaccinated-na-kontra-covid)