Pinagbebenta ng isang babae ang isusuot niya sanang wedding gown, singsing, sapatos, pati ang mga giveaway sa kasal matapos mahuli ang karelasyon na may ‘other woman’.

Sa Facebook post ni Junesa Ann Infante, kinuwento nito ang nangyari kay Danica Saura, na ikakasal na dapat matapos ang 11 taong relasyon sa isang marino.

December 2020, ay ikakasal na dapat ang dalawa, ngunit dahil sa striktong lockdown ay nausog ito sa May 15, 2021.

Ilang linggo na lang ay kasal na ni Danica, ngunit nahuli ang groom na may kasamang ibang babae sa isang beach.

Dahil dito’y binenta na lamang ni Danica ang mga bagay para sa kasal sana nito.


Saad sa post ni Junesa, sold out na ang mga gamit pangkasal dahil na rin sa suporta ng mga netizen.

The post Lalaki na papakasalan nahuling may iba! Pinay binenta wedding gown, singsing first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/lalaki-na-papakasalan-nahuling-may-iba-pinay-binenta-wedding-gown-singsing/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=lalaki-na-papakasalan-nahuling-may-iba-pinay-binenta-wedding-gown-singsing)