Sinabi ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na dahil kailangan nang magretiro sa edad na 56, nagmamadali ang mga heneral sa promotion at hindi naipatutupad ang mga programa nito.

“Dahil kailangang magretiro sa edad na 56, nagmamadali ang lahat sa promotion. Dumadami ang bilang ng mga heneral na napo-promote bago megretiro. Hindi naipapatupad ang programa,” tweet ni Lorenzana.

Kabilang din daw sa hamong kinakaharap ng Armed Forces of the Philippines ay ang sobra-sobrang bilang ng mga heneral at ang maikling panahon ng panunungkulan ng mga ito.

“The status quo in command has created unintended challenges such as the excessive number of generals and the short-term tenure of leadership,” wika niya.

Kaya naman suportado niya ang pagpasa ng mga panukalang batas na mag-aamyenda sa retirement age ng mga tauhan ng militar.

“It is high time for the AFP to reorganize itself, not only to stabilize its leadership capabilities but also to achieve a more sustainable and impactful security agenda,” dagdag niya.

The post Lorenzana: Mga heneral nagmamadali sa promotion first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/lorenzana-mga-heneral-nagmamadali-sa-promotion/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=lorenzana-mga-heneral-nagmamadali-sa-promotion)