Nababahala si Leyte Rep. Lucy Torres-Gomez sa posibleng masamang epekto kung magiging agresibo ang Pilipinas laban sa China kaugnay ng isyu ng West Philippine Sea (WPS).

Ayon kay Torres-Gomez dapat tignan ng mas malawak ang isyu dahil hindi lamang ito isyu ng pag-aagawan ng teritoryo.

“There are economic repercussions if we continue to insist that China give in to our demand for them to get off our waters. Let us not forget that China is the Philippines’ biggest export and import partner,” sabi ni Torres-Gomez.

Noong Marso 2021, sinabi ni Torres-Gomez na nag-export ang Pilipinas ng $1.8 bilyong halaga ng produkto sa China at nag-imported naman ang Pilipinas ng mga produkto doon ng $1.2 bilyon.

Noong 2012 sa kasagsagan ng stand-off sa Scarborough Shoal, nakatikim ang Pilipinas ng economic backlash ng tumanggi ang China na tanggapin ang banana export nito. Umabot umano sa $34 milyon ang nawalang kita na nakaapekto sa sektor ng agrikultura.

“If in the distant likelihood that we succeed in driving away China’s military vessels out of our EEZ and the WPS, are we prepared to face the economic counterattack that China is likely to use to get back at us? Is our economy ready for the backlash, especially amid the impact of the COVID-19 pandemic on our fiscal standing?” tanong ng lady solon.

Nilinaw naman ni Torres-Gomez na hindi nangangahulugan na dapat ng pabayaan ng Pilipinas ang teritoryo ng bansa.

Dapat pa rin umanong ipagpatuloy ang pagpapatrolya ng Philippine Coast Guard sa WPS at bumili ng mga modernong kagamitan nito.

The post Lucy Torres nangangamba sa epekto ng pagiging agresibo ng PH sa China first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/lucy-torres-nangangamba-sa-epekto-ng-pagiging-agresibo-ng-ph-sa-china/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=lucy-torres-nangangamba-sa-epekto-ng-pagiging-agresibo-ng-ph-sa-china)