Hinimok ni Atty. Romulo Macalintal ang Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Disease (IATF) na pag-aralan ang pagbibigay ng pribilehiyo sa mga senior citizen na naturukan na kontra COVID-19.

Ayon kay Macalintal, na advocate ng karapatan ng mga senior citizen, dapat ay luwagan na ang protocol para sa mga lolo’t lola tulad ng pagpayag na lumabas na ang mga ito.

“May I suggest that the IATF’s guidelines on community quarantine be relaxed a bit for senior citizens (SCs) who have already been vaccinated against the Covid-19,” saad ni Macalintal.

“The rule that SCs (senior citizens) should ‘remain in their residences at all times’ in areas under quarantine should be amended in that SCs who have already been vaccinated even with one dose may be allowed to go out of their residences at any time provided they still observe the required health protocols of wearing face masks and face shields and observing physical and social distancing,” aniya pa sa sulat para sa IATF.

Bukod pa dito, nais din ni Macalintal na payagan ang mga nabakunahang senior citizen na dumalo sa mga mass gathering, kumain sa restaurant at pumunta sa religious event.

Maaari umano itong ipatupad basta’t magpakita lang ng vaccination card ang mga lolo’t lola.

Aniya pa, ang pagbibigay ng special privilege sa mga senior citizen na nabakunahan na ay pwedeng makahikayat sa iba na ayaw magpaturok.

The post Macalintal sa IATF: Mga bakunadong senior citizen payagan lumabas first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/macalintal-sa-iatf-mga-bakunadong-senior-citizen-payagan-lumabas/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=macalintal-sa-iatf-mga-bakunadong-senior-citizen-payagan-lumabas)