Tumama ang magnitude 5.2 na lindol sa karagatan ng Zambales nitong Linggo ng hapon.

Ayon sa Phivolcs, ang lindol ay nangyari bandang alas-12:41 ng hapon sa karagatan malapit sa bayan ng San Antonio.

Tectonic ang origin ng lindol, na may lalim na dalawang metro.

Naramdaman ang Intensity I sa Quezon City, Marikina City at Olongapo City.

Wala namang inaasahan na pinsala sa naturang lindol ngunit may posibilidad ng aftershock.

The post Magnitude 5.2 umuga sa Zambales, ramdam sa Metro Manila first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/magnitude-5-2-umuga-sa-zambales-ramdam-sa-metro-manila/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=magnitude-5-2-umuga-sa-zambales-ramdam-sa-metro-manila)