Niyugyog ng magnitude 5.5 na lindol ang karagatan malapit sa Davao Occidental nitong Linggo ng umaga.

Ayon sa Phivolcs, nangyari ang lindol bandang alas-10:02 ng umaga, natuklasan ang episentro nito 235 kilometro silangan ng Jose Abad Santos, Davao Occidental.

Naramdaman ang Intensity I sa Kiamba, Sarangani.

Wala namang inaasahang pinsalang dulot ang lindol, ngunit posibleng magkaroon ng aftershock.

The post Magnitude 5.5 tumama malapit sa Davao Occidental first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/magnitude-5-5-tumama-malapit-sa-davao-occidental/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=magnitude-5-5-tumama-malapit-sa-davao-occidental)