Sumuko sa pulis ang mayor sa isang bayan sa Maguindanao para ipakita ang paggiba niya sa kanyang private armed group.

Kasama ni Pagalungan, Maguindanao Mayor Salik Mamasabulod ang kanyang private army sa kanilang pagsuko, kung saan sinurender din nila ang kanilang mga armas.

Nagalak naman si Police Regional Office (PRO) – BARMM director Brig. Gen. Eden Ugale sa ginawa ng alkalde.

“After a series of negotiations with Mayor Mamasabulod, his men have surrendered peacefully to the PRO-BARMM,” saad ni Ugale.

Kasama sa mga sinuko ng grupo ay dalawang M16 rifle, Carbine rifle at M1 Garand rifle.

The post Maguindanao mayor nilusaw private army first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/maguindanao-mayor-nilusaw-private-army/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=maguindanao-mayor-nilusaw-private-army)