Inaprubahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagpapababa ng height requirement sa mga papasok sa Philippine National Police (PNP) at iba pang ahensya.

Pinirmahan ng Pangulo nitong Miyerkoles ang Republic Act 11549, na nagpababa sa minimum height requirement ng mga nais pumasok sa PNP, Bureau of Fire Protection, Bureau of Jail Management and Penology at Bureau of Corrections.

Para sa kalalakihan, 1.57 meters o 5 foot 2 inches na ang minimum height requirement, habang 1.52 meters o 5 feet naman para sa mga babae.

Dati itong 5’3″ para sa mga lalaki, at 5’2″ naman para sa kababaihan.

Nakasaad din sa ‘PNP, BFP, BJMP and BuCor Height Equality Act’ na aalisin ang height requirement sa mga aplikanteng parte ng katutubong grupo o indigenous community.

The post Maliit na pulis pasado kay Duterte first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/maliit-na-pulis-pasado-kay-duterte/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=maliit-na-pulis-pasado-kay-duterte)