Dapat nang tapusin ang modified enhanced community quarantine (MECQ) para tuluyang makabawi ang ekonomiya ng bansa, ayon kay National Economic and Development Authority Secretary Karl Chua.

“We can’t be in MECQ for the entire year. We have to use these 2 months very wisely that we are in this bubble to enhance our PIDTR (Prevent-Detect-Isolate-Treat-Reintegrate) strategy so that we can open the economy as soon as we can,” saad ni Chua sa panayam ng ANC ‘Headstart’.

Inaasahan na tumaas ng 6.5 hanggang 7.5 percent ang growth rate ng bansa sa taong 2021 matapos na dumausdos ang gross domestic product (GDP) ng 9.6 percent noong nakaraang taon dahil sa COVID-19.

“We have to move out of MECQ, we have to go to GCQ and even better. A big part of that, 95 percent is our own personal behavior and everyone knows already what to do,” saad pa ni Chua.

Aniya, kailangan na maging mabilis ang vaccination rollout para tuluyang mabuksan ang ekonomiya sa bansa.

Ang MECQ sa NCR Plus bubble ay tatagal hanggang Mayo 14.

The post MECQ kailangan na wakasan – NEDA first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/mecq-kailangan-na-wakasan-neda/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=mecq-kailangan-na-wakasan-neda)