Nakapagtala ng 1,226 bagong kaso ng coronavirus kada araw ang Metro Manila sa average na isang linggo, ayon sa Department of Health (DOH).

Sabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, mababa na ito kumpara sa 1,500 bagong kaso noong nakaraang linggo.

Sa kabila nito aniya ay hindi pa bumabalik ang average ng bagong mga kaso sa pre-surge level bago ang Marso.

“Ibig sabihin bumababa [ang mga kaso]. Patuloy ang pagbaba pero hindi pa natin nakikita na talagang mabilis at tuloy-tuloy na bumababa, so kailangan natin talagang magtuloy pa rin ng pag-iingat,” sambit ni Vergeire sa online press briefing.

Sabi Vergeire, ang average na bilang ng bagong kaso kada araw sa Metro Manila ay 430 lamang noong Enero at Pebrero, na siya umanong target nilang maabot.

The post Metro Manila may 1,226 bagong COVID case kada araw first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/metro-manila-may-1226-bagong-covid-case-kada-araw/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=metro-manila-may-1226-bagong-covid-case-kada-araw)