Nakiusap ang grupo ng mga senior citizen na payagan na lumabas ang mga lolo’t lola na nakakumpleto na sa bakuna.

Ayon kay National Commission of Senior Citizens (NCSC) chairperson Franklin Quijano, dapat na luwagan na sa paglabas ang mga senior citizen na bakunado na para makatulong na buhayin ang ekonomiya.

“We are for giving the seniors a safe space. Groceries, malls and pharmacies are cleaned up every day, so the seniors can be allowed for the first two hours in the morning,” ayon kay Quijano.

“Just the seniors so they can spend their money and help our economy rebound amid the pandemic,” saad pa niya sa Laging Handa press briefing.

Dagdag pa ni Quijano, dapat na payagan ang mga bakunadong senior citizen na makalabas para na rin makapag-ehersisyo na makatutulong sa kanilang kalusugan.

The post Mga bakunadong senior citizen gusto na lumabas first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/mga-bakunadong-senior-citizen-gusto-na-lumabas/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=mga-bakunadong-senior-citizen-gusto-na-lumabas)