Maghihintay ang mga Pinoy na mapili sa brand ng bakuna, ayon kay Department of the Interior and Local Government (DILG) spokesperson Jonathan Malaya.

Ito’y kasunod ng utos sa mga local government unit (LGU) na huwag nang ianunsyo ang mga vaccine brand na ituturok sa bawat residente, at malalaman na lang ito sa mismong vaccination site.

Ayon kay Malaya, sakaling ayawan ng isang indibiduwal ang ituturok sa kanyang brand ay babalik ito sa dulo ng waiting list.

“That person has to go back to the line. Meaning, assuming he is A2 or A3, he will have to go back to the line of all of the A2 or A3 masterlist in that specific community,” saad ni Malaya sa panayam ng ANC.

“That, again, will delay the inoculation of that person, and if there are many persons like that, that delays the inoculation of the community,” aniya pa.

Matatandaan na ikinasa ang pagsikreto ng vaccine brand dahil sa pagdagsa ng mga tao sa pila buhat nang dumating ang supply ng Pfizer vaccine sa bansa.

The post Mga choosy sa bakuna balik sa dulo ng pila – DILG first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/mga-choosy-sa-bakuna-balik-sa-dulo-ng-pila-dilg/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=mga-choosy-sa-bakuna-balik-sa-dulo-ng-pila-dilg)