Inaalam ngayon ng Department of Health (DOH) kung may dapat bang managot sa mga nasirang bakuna sa Cotabato City na hindi umano napansing nakapatay ang freezer na kinalagyan ng mga bakuna.

Sinabi ni DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire na nakipag-ugnayan na sila sa mga opisyal ng DOH Regional Office para imbestigahan ang insidente.

“Atin pong iniimbestigahan, so we have already coordinated with the regional office there to conduct the initial investigation and submit to us the report. So titingnan ho natin kung may kailangang managot at ano po ang dapat na gawin pagkatapos po nito,” ani Vergeire.

Hihintayin aniya ng DOH Central Office ang report bago makagawa ng hakbang kaugnay sa mga nasirang bakuna.

“Let’s wait for the final investigation report bago po tayo makapagbigay ng impormasyon ukol diyan,” dagdag ni Vergeire.

Ang mga COVID vaccine ay kinakailangang nasa malamig na temperatura para mapreserba ang bisa ng mga ito laban sa COVID-19.

The post Mga COVID vaccine na nasira sa Cotabato, iniimbestigahan first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/mga-covid-vaccine-na-nasira-sa-cotabato-iniimbestigahan/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=mga-covid-vaccine-na-nasira-sa-cotabato-iniimbestigahan)