Para kay Senate President Vicente Sotto III, ang mga frontliner ang tunay na bayani sa panahon ng coronavirus pandemic.

Ginawa ni Sotto ang pahayag matapos purihin ni Pangulong Rodrigo Duterte si Health Secretary Francisco Duque bilang ‘hero’ na responsable umano sa magandang pagtugon ng gobyerno sa COVID-19 pandemic.

“That’s his opinion, to me, the frontliners are the heroes!” pahayag ni Sotto sa kanyang text message sa mga reporter.

Kinatigan naman ni Senadora Grace Poe si Sotto. “The real COVID-19 pandemic heroes are courageous workers risking their own lives for others. With their hard work and resilience, we see people volunteering to make up for the inadequacies to the virus response.”

“Even as we all have been humbled by this health crisis, let us not deny our frontliners the recognition that rightfully belongs to them. The way to give back is through efficient governance and social services that will trickle down to all, especially the vulnerable,” sabi pa ni Poe.

Sinabi naman ni Senador Sherwin Gatchalian, na maraming nag-contribute sa pagtugon ng pamahalaan sa pandemya tulad nina vaccine czar Carlito Galvez Jr., testing czar Vince Dizon, at lahat medical frontliners.

“This is a team effort. No one man can arrest a pandemic of this magnitude,” sabi ni Gatchalian.

Samantala, sinabi naman ni Senador Francis Pangilinan na ang gobyerno lang naniniwala na bayani si Duque sa gitna ng krisis.

“Yung pagiging ‘excellent’ at pagiging ‘hero ni Duque dahil sa good COVID response’, palagay ko sila sila na lang ang naniniwala dun,” giit ni Pangilinan.

The post Mga frontliner ang bayani, hindi si Duque – Sotto first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/mga-frontliner-ang-bayani-hindi-si-duque-sotto/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=mga-frontliner-ang-bayani-hindi-si-duque-sotto)