Pinutakte ng mga netizen si Angelica Panganiban dahil sa mga tweet nito na nagrereklamo kung bakit matagal silang masalang sa swab test ng Philippine Red Cross sa Subic, Olongapo.

Sa tweet ng aktres, sinabi nito na isang oras na silang naghihintay sa parking area ngunit mas nauna pa umano ang mga nakasabay nila.

“Isang oras na kami sa dito sa parking area niyo. Nakaalis na din mga nakasabay namin. At inuna niyo pa yung ibang bagong dating,” reklamo ni Angelica.

Hindi pa nakuntento ang artista at binunyag ang hindi magandang karanasan nila sa PRC dahil sa maling resulta ng swab test.


Hindi nagustuhan ng mga mismong nagtatrabaho sa testing center ang rant ng aktres at giniit na hindi nila priority ang mga artista.

Sa Facebook story ni John Daniel Isabelo, sinabi nito na walang special treatment sa kanila, at siningit lang umano sila Angelica kahit hindi naka-schedule.

“Pare-parehas kayong nagbayad ng ibang clients at higit sa lahat, pareparehas kayong tao. Kaya wala pong special treatment dito,” ayon kay Isabelo.

“Naging lenient naman po kami sa inyo na kahit di kayo naka-sched ngayon siningit pa rin kayo,” lantad pa nito.

Isa pang swabber na mismong nag-swab sa boyfriend ni Angelica ang pumalag sa mga patama ng aktres.

“Be grateful na lang sana na na-iswab yung kasama mo ma’am without queueing at maramdaman yung init sa tent while waiting for their turn. May appointment lahat ng nagpaswab today, and hopefully kayo rin para valid ‘tong rant mo ma’am,” ayon kay @iammarkyy_.

“People who were swabbed before you sa parking, we’re actually illed and yung isa nga ambulansya pa eh. Di mo ba kita ma’am? Ang pagiging artista ma’am di kasama sa priority list, yet, lumabas ako to swab yung kasama nyo,” aniya pa.

The post Mga frontliner naasar! Angelica feeling VIP sa swab test first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/mga-frontliner-naasar-angelica-feeling-vip-sa-swab-test/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=mga-frontliner-naasar-angelica-feeling-vip-sa-swab-test)