Nakapagdesisyon na ang lahat ng mga alkalde sa Metro Manila para sa panibagong quarantine status.

Ayon kay Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) chairman Benhur Abalos, nag-usap na ang mga mayor para sa magiging quarantine classification matapos ang May 14.

Hindi muna isasapubliko ang desisyon ng mga NCR mayor at idadaan muna ito sa meeting ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Disease (IATF).

Ayon kay Abalos, ang desisyon ay para mabalanse ang kaligtasan ng mga mamamayan sa pagbangon ng ekonomiya.

Nakatakdang magsalita si Pangulong Rodrigo Duterte ngayong Huwebes, kung saan inaasahan din na ianunsyo nito ang bagong quarantine status.

Nakatakdang matapos sa Biyernes ang modified enhanced community quarantine (MECQ) sa NCR Plus bubble.

The post Mga NCR mayor nagkasundo sa bagong quarantine status first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/mga-ncr-mayor-nagkasundo-sa-bagong-quarantine-status/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=mga-ncr-mayor-nagkasundo-sa-bagong-quarantine-status)