Sinuspende ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang pag-deploy ng mga overseas Filipino worker (OFW) na patungong Saudi Arabia.

Sa memorandum na pirmado ni DOLE Secretary Silvestre Bello III, inutusan nito si Philippine Overseas Employment Administration (POEA) administrator Bernard Olalia na huwag munang magpadala ng mga OFW sa nasabing bansa.

Dahilan ng DOLE, nakatanggap sila ng report na pinapasagot umano ng mga employer at recruitment agency sa mga OFW ang gastos para sa COVID-19 health protocol at insurance coverage premium.

Maglalabas ng pahayag ang DOLE kung kailan matatapos ang suspensyon ng deployment kapag nalinaw na ang isyu sa Saudi Arabia.

Dahil dito’y may ilang mga OFW na nagtungo na sa NAIA ang na-stranded dahil sa naging desisyon ng DOLE.

The post Mga OFW papunta Saudi hinarangan ng DOLE first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/mga-ofw-papunta-saudi-hinarangan-ng-dole/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=mga-ofw-papunta-saudi-hinarangan-ng-dole)