Naalarma ang mga residente sa Bauan, Batangas matapos madiskubre ang pag-usok ng isang lumang bomba.

Ayon sa “State of the Nation” report, pinagkaguluhan ng mga residente ang mabatong bahagi sa dalampasigan sa Bauan, Batangas noong Biyernes.

Mayroon kasing lumalabas na usok mula roon.

Sa pagsusuri ng Explosives and Ordnance Division, nagmula ang usok sa isang kinakalawang nang mortar bomb.

Ayon sa Bauan Police, ang umuusok ay ang components ng bomba.

“‘Yung components nung bomb, natapon siya, pumunta siya sa shore. Kaya nung nasisinagan siya ng araw, umuusok siya,” paliwanag ni Police Lt. Col. Karlo Lanuza, Bauan chief of police.

The post Mga residente sa Batangas naalarma sa umusok na bomba first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/mga-residente-sa-batangas-naalarma-sa-umusok-na-bomba/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=mga-residente-sa-batangas-naalarma-sa-umusok-na-bomba)