Uunahin na ang parte ng mga nagtatrabaho sa tourism industry sa national vaccination program ng gobyerno.

Inanunsyo ng Department of Tourism (DOT) na ang mga empleyado ng hotel na nagsisilbing quarantine facility ay parte na ng A1 priority group.

Ang A1 cluster ay ang nasa tuktok ng prayoridad ng gobyerno, na unang ibinigay para lamang sa mga health worker.

Ayon kay DOT Secretary Bernadette Romulo-Puyat, ang pag-apruba ng ilang tourism worker sa A1 priority group ay pinaalam sa kanya ni vaccine czar Carlito Galvez Jr.

Samantala, ang iba pang tourism worker ay parte ng A4 group, na inaasahang mabakunahan na rin pagsapit ng Hunyo.

The post Mga tourism frontliner prayoridad na sa bakuna first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/mga-tourism-frontliner-prayoridad-na-sa-bakuna/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=mga-tourism-frontliner-prayoridad-na-sa-bakuna)