Madagdagan umano ang trabaho sa bansa kung dodoblehin ang kasalukuyang vaccination rate na 162,513 na halos isang linggo nang average, ayon kay Senador Joel Villanueva.

“The most effective employment formula is the more jabs we administer, the more jobs we create,” sabi ni Villanueva, chair ng Senate Labor and Employment Committee.

“If we can increase our vaccination rate to 325,000 doses a day, then we will be delivering 72 million doses from now until the end of the year,” sambit pa nito.

“That 72 million is half of the 140 million doses for 70 million people required to achieve herd immunity,” saad pa ng senador.

Subalit ang orihinal na plano ng gobyerno ay mabakunahan ang 70 milyong Pinoy matapos ang taong ito at ang delivery ng COVID-19 vaccine na mahigit 140 milyon dose.

“So yung sinabi po natin na 325,000 daily doses ay may 50 percent discount na doon sa assurance ng pamahalaan na 140 million doses ang parating sa taong ito,” paliwanag ni Villanueva.

“A 325,000-daily jab rate, should be the minimum speed. However, it is still ‘underspeeding’,” sabi pa nito.

Ayon pa kay Villanueva, maabot ang jab rate na ito sa pakikipagtulungan din na pribadong sektor.

Ilang kompanya sa bansa ang naglabas ng kanilang resource para bumili ng 20 milyong dose ng Moderna vaccine, kung saan ang unang batch ay inaasahang darating sa kalagitnaan ng Hunyo.

“The private side will kick into action once the vaccines they have ordered will arrive. Private sector efficiency is the booster our vaccination drive needs,” ani Villanueva.

The post Mga walang trabaho mababawasan kung doble vaccination rate – Villanueva first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/mga-walang-trabaho-mababawasan-kung-doble-vaccination-rate-villanueva/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=mga-walang-trabaho-mababawasan-kung-doble-vaccination-rate-villanueva)