“Pari kumakant*t ng nanay? Pari!”

‘Yan ang bulalas ng isang lalaki matapos na makaharap ang isang pari na gumalaw umano sa kanyang misis.

Puno ng tensyon ang nangyari sa isang viral video kung saan makikita at maririnig ang dalawang lalaki na nanggigigil sa isang pari.

Sa viral video, maririnig na inaakusahan ang isang pari, na napag-alamang mula sa Pampanga, ng pagiging kabit ng isang babae.

Sinabihan ng mister na ‘ahas’ at naninira ng pamilya ang nasabing pari matapos wasakin ang kanilang family picture sa harapan ng alagad ng Simbahan.

Ayon pa sa anak ng lalaki, iniimbestigahan na ang nasabing pari na hindi pinangalanan, at aniya’y marami nang kasamahan nito ang sumusuporta sa kanila.

Sa report ng Inquirer, sinabi ni Archbishop Florentino Lavarias na kanila nang kinausap ang paring sangkot at pamilya para masaayos ang problema.

The post Mister sobrang galit! Pari kabit ni misis first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/mister-sobrang-galit-pari-kabit-ni-misis/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=mister-sobrang-galit-pari-kabit-ni-misis)