Mananagot ang sinumang mahuhuli na nagbebenta ng COVID-19 vaccine slot, ayon kay Metropolitan Manila Development Authority Chairman Benhur Abalos.

Ayon kay Abalos, kanilang siniseryoso ang pagtugis sa mga nagbebenta ng slot para sa bakuna, na libre ng ibinabahagi ng mga local government unit (LGU).

“There’s one thing I will promise you, I promise you that these persons will really be charged and go to jail. We’re very serious about this,” saad ni Abalos sa panayam ng ANC.

Nakikipag-usap na si Abalos sa Philippine National Police at National Bureau of Investigation para mahuli ang mga sangkot sa iligal na bentahan para sa bakuna.

Sa isang Facebook post, nalantad na umaabot sa P12,000 hanggang P15,000 ang bentahan para makasingit sa pagbabakuna ng mga LGU.

The post MMDA: Magbebenta ng bakuna slot paniguradong makukulong first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/mmda-magbebenta-ng-bakuna-slot-paniguradong-makukulong/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=mmda-magbebenta-ng-bakuna-slot-paniguradong-makukulong)