Makatatanggap ng donasyong Moderna at AstraZeneca vaccine ang Pilipinas mula Amerika.

Ito’y inanunsyo ni PH ambassador to US Jose Manuel Romualdez, kung saan sinabi nito na ibibigay ito ng libre sa Pilipinas bilang kaalyadong bansa ng Estados Unidos.

“In the next couple of days malalaman natin kung ilan ang ipapadala sa atin, but this is good news to us,” saad ni Romualdez.

Aniya, posibleng sa Hunyo ay makakuha na ang Pilipinas ng bakuna mula sa Amerika.

Matatandaan na sa dating panayam kay Romualdez ay sinabi nito na 300,000 dose ng Moderna vaccine ang darating sa Pilipinas sa Hunyo.

The post Moderna, AstraZeneca bakuna mula US, bubuhos sa ‘Pinas first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/moderna-astrazeneca-bakuna-mula-us-bubuhos-sa-pinas/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=moderna-astrazeneca-bakuna-mula-us-bubuhos-sa-pinas)