Naglabas na ang Food and Drug Administration (FDA) ng emergency use authorization (EUA) para sa bakuna ng Moderna.

Nitong Miyerkoles ay inanunsyo ni FDA director general Eric Domingo na maaari nang gamitin sa Pilipinas ang bakuna mula sa US pharmaceutical brand.

“After rigorous and thorough review by regulatory and medical experts using the currently available published and unpublished data, FDA is granting an emergency use authorization for the COVID-19 vaccine Moderna,” ayon kay Domingo.

Inaasahan na dumating sa June 15 ang 200,000 dose ng Moderna vaccine na in-order ng bansa, ayon kay PH Ambassador to US Jose Manuel Romualdez.

Isa ang Moderna sa mga unang ginamit na bakuna ng Estados Unidos, mayroon itong napaulat na 94% efficacy rate.

The post Moderna vaccine puwede na iturok sa ‘Pinas first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/moderna-vaccine-puwede-na-iturok-sa-pinas/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=moderna-vaccine-puwede-na-iturok-sa-pinas)