Sumakabilang-buhay na si Arturo Luz, isang tanyag na iskultor at pintor na napasama sa National Artist for visual arts.

Siya ay edad 94.

Pumanaw si Luz nitong May 26, ayon sa Facebook post ng kanyang anak na si Angela.

“It is with deep sorrow that I announce the passing of my father, our beloved National Artist, Arturo Luz. He peacefully joined his Creator at 8:45 this evening, and I stood by his side as he took his last breath. We could not have asked for anything more,” ayon kay Angela.

“He enriched our lives with his art, with his incredible talent and his genius. As a father and a grandfather, he was simply the best. He was the most kind and generous human being. And as a husband to my mother, he was perfect.”

Nakilala si Luz bilang isa sa mga nagpasimula ng neo-realist school sa Philippine art.

Bumida din ang kanyang mga gawa sa ilang international art gallery mula dekada 50s hanggang 70s.

Ilan sa mga sikat niyang likha ay ang ‘Black and White’ at ‘Candle Vendor’. Taong 1997 ay binigyan ng National Artist Award si Luz.

The post National Artist Arturo Luz pumanaw na first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/national-artist-arturo-luz-pumanaw-na/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=national-artist-arturo-luz-pumanaw-na)