Pinaliwanag ni Miss Universe PH national director Shamcey Supsup ang headpiece na dapat ay isusuot ni Rabiya Mateo sa national costume.

Ayon kay Shamcey, dala nila ang naturang headpiece na kukumpleto sana sa Philippine flag-inspired look ng costume ni Rabiya.

Ngunit nang sinusuot na ito kay Rabiya ay nahuhulog daw ito.

“Unfortunately, nahuhulog, it was hard for her to wear it so we decided na kung saan siya mas komportable,

“Mabigat na rin kasi yung wings niya in the first place so, we’re so sad na hindi nasuot, but still Rabiya was able to give us a powerful performance,” ayon kay Shamcey sa interview ni MJ Felipe.

Ang national costume ni Rabiya ay gawa ng pumanaw na Pinoy designer na si Rocky Gathercole, habang ang iba pang accessory ng kandidata ay likha ni Manny Halasan.

The post National costume ni Rabiya kulang first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/national-costume-ni-rabiya-kulang/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=national-costume-ni-rabiya-kulang)