Nanawagan si Speaker Lord Allan Jay Velasco sa Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF) na gawing prayoridad ang pagbabakuna laban sa COVID-19 ng National Capital Region (NCR) plus at iba pang urban center sa bansa.

Ayon kay Velasco ang pagbibigay ng prayoridad sa mga lugar na ito ay dapat gawin matapos bakunahan ang 1.7 milyong health care worker.

“Our efforts should be strategic as we wait for the time until our vaccine supplies become stable,” sabi ni Velasco.

Ang NCR Plus ay binubuo ng mga siyudad at munisipalidad sa Metro Manila at mga probinsya ng Bulacan, Cavite, Laguna at Rizal.

Ilan naman sa mga urban area na ipinasasama ni Velasco ang Mega Cebu, Davao, at Cagayan de Oro.

Sa Hunyo ay tinatayang 10 milyong dose na ng COVID bakuna ang nakarating sa bansa.

The post NCR Plus gawing prayoridad sa COVID bakuna – Velasco first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/ncr-plus-gawing-prayoridad-sa-covid-bakuna-velasco/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=ncr-plus-gawing-prayoridad-sa-covid-bakuna-velasco)