Kailangan lamang mabakunahan ang 50% ng populasyon sa mga “high risk” areas sa bansa upang makamit ang herd immunity sa mga naturang lugar, ayon sa pahayag ng OCTA Research Group nitong Lunes.

Ayon sa OCTA, ang mga high risk areas ay binubuo ng NCR, Tuguegarao City, Santiago City, Baguio City, Cainta, Cebu at Imus.

Base sa kanilang pag-aaral, maaabot ang herd immunity sa mga lugar na ito kung ang kalahati sa kanilang populasyon ay mababakunahan.

“In many countries that have vaccinated 50% of the population, there has been an immediate impact on herd containment of COVID-19. This is the immediate target in high-risk areas,” saad ng OCTA.

Dagdag pa ng research group, sa mga “moderate-high risk” areas naman ay mula 30% hanggang 40% lamang ng populasyon ay kailangang mabakunahan samantalang mula 20% hanggang 30% naman sa mga “moderate risk” areas.

Ibig sabihin, 15.96 milyon na mga bakuna ang kailangan sa mga high risk na lugar, 7.3 milyon sa mga moderate-high risk at 3.08 milyon naman sa mga moderate risk na lugar.

The post OCTA: Alokasyon ng bakuna, ibase sa dami ng kaso first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/octa-alokasyon-ng-bakuna-ibase-sa-dami-ng-kaso/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=octa-alokasyon-ng-bakuna-ibase-sa-dami-ng-kaso)