Pinuna ng OCTA Research ang hindi nasusunod na physical distancing sa mga public transport sa Metro Manila.

Ayon kay Professor Guido David, may mga nakikita silang kuhang video sa mga pampasaherong bus na siksikan at maging sa pampasaherong jeep na kahit mayroong nakalagay na plastic sa bawat upuan ng mga pasahero ay hinahawi at dikit-dikit ang mga balikat.

Hindi aniya malayong bumalik ang peligro sa COVID-19 dahil tila nababalewala ang mga paulit-ulit na pakiusap at paalala ng gobyerno sa pagsunod sa basic health protocol.

Sinabi ni David na kailangang kumilos ang Metro Manila Council para mahigpit na maipatupad ang social distancing sa transport sector.

” Hindi natututukan eh, siguro kailangan pag-usapan na yan ng Metro Manila Council kasi dapat on top sila diyan eh,” ani Professor David.

Para aniyang hindi naiisip mg publiko na nasa heightened restrictions ang NCR Plus na bagamat bahagyang nagluwag ay kailangan pa ring sumunod sa mga polisiya para hindi matamaan ng COVID-19 contamination.

“Hindi ko alam kung nasaan yung lapse natin pero ang alam ko heightened restrictions dapat. GCQ with heightened restrictions pero hindi pa nga natatapos wala ng restrictions,” ani Professor David.

The post OCTA Research: Social distancing sa mga jeep, bus nabalewala first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/octa-research-social-distancing-sa-mga-jeep-bus-nabalewala/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=octa-research-social-distancing-sa-mga-jeep-bus-nabalewala)