Siniguro ni Judy Ann Santos na mananatiling may trabaho ang kanyang mga empleyado sa kabila ng epekto ng COVID-19 pandemic sa kanilang negosyo.

Ayon kay Juday, na may restaurant na Angrydobo at ilan pang online business, gumawa sila ng paraan para manatiling busy ang kanilang mga tauhan.

“We started selling special items ng Angrydobo on Sunday Market Live noong January. It was Ryan’s idea actually,” ayon kay Juday sa interview kay G3 San Diego.

Saad ni Juday, okay lang kahit maliit lang ang kita basta may maipasuweldo sila sa kanilang mga empleyado.

“Kung ano yung kikitain natin kahit maliit okay na din. Kung walang kikitain okay lang din basta wala tayong empleyadong tatanggalin or whatever kasi ang hirap na ng buhay as it is. So that’s what happened,” aniya pa.

Suportado din ng mag-asawa ang iba pang small food business owner na patok ngayon sa social media.

The post Okay lang kahit walang kita! Juday ayaw magtanggal ng empleyado first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/okay-lang-kahit-walang-kita-juday-ayaw-magtanggal-ng-empleyado/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=okay-lang-kahit-walang-kita-juday-ayaw-magtanggal-ng-empleyado)