Handang suportahan ng Department of Health (DOH) and tinutuklas na oral vaccine kontra COVID-19 ng isang Pilipinong pari kung epektibo itong panlaban sa mabagsik na virus.

Ito ang inihayag sa Laging Handa press briefing ni DOH Undersecretary Myrna Cabotaje, na siya ring Chairperson ng National Vaccination Operation Center.

Sinabi ni Cabotaje na kung epektibo at ang tinutuklas ni Father Nicanor Austriaco na oral vaccine at pumasa sa clinical trial at may EUA ay handa itong suportahan ng gobyerno.

“Kung mas epektibo at mas convenient, we will support.Who knows kung puwede yung oral instead na injectable, we will support basta scientific and passed all the requirements for a clinical trial and at least an emergency use authorization,” ani Cabotaje.

Pero sinabi ng opisyal na kung sa aspeto ng gagawing pag-aaral, baka hindi ito kayang pondohan ng pamahalaan.

Pero ang nakakatuwa ani Cabotaje ay sa loob ng halos isang taong dumaranas ng lupit ng COVID-19 ay mabilis ang pag-develop ng mga bakuna laban sa mabagsik na virus.

“But in terms of the study baka hindi natin kakayaning pondohan. While we have clinical trials, kailangan din ng pondo for this study. We may need to confirm and look at the data or any studies that are being done outside of the country,” dagdag ni Cabotaje.

Si Father Austriaco ay associate ng OCTA Research at isa ring molecular biologist na kasalukuyang nasa Amerika at ginagawa ang kanyang experiment at pinag-aaralan ang kanyang yeast-based vaccine na nais nitong gamitin bilang oral vaccine panlaban sa COVID-19 pagbalik sa Pilipinas.

The post Oral vaccine vs COVID study ng paring Pinoy, hindi kayang pondohan – DOH first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/oral-vaccine-vs-covid-study-ng-paring-pinoy-hindi-kayang-pondohan-doh/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=oral-vaccine-vs-covid-study-ng-paring-pinoy-hindi-kayang-pondohan-doh)