Sinong mag-aakala na aabot sa milyones ang halaga ng isang larawan na nag-viral sa social media?

Apat na taon pa lamang si Zoe Roth nang magpa-picture siya sa tapat ng isang nasusunog na bahay, at ngayong 21-anyos na siya, dito niya nadiskubreng limpak na pera pala ang madudulot sa kanya ng nag-viral na picture.

Binenta ni Roth at kanyang ama ang picture na naging meme bilang ‘non-fungible token’ (NFT).

Pinasubasta ang meme, kung saan umabot sa halos $500.000 o P24M ang halaga ng naturang picture.

Balak ni Roth na gamitin ang pera para bayaran ang kanyang college loan, at magbigay sa charity.

The post P24M kinita ng bebot sa viral meme first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/p24m-kinita-ng-bebot-sa-viral-meme/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=p24m-kinita-ng-bebot-sa-viral-meme)