Nasungkit ng isang residente mula Abucay City, Bataan ang P29.7M jackpot prize sa Grand Lotto 6/55 nitong Sabado ng gabi.

Ayon kay Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) general manager Royina Garma, natamaan ng mananaya ang 13-01-50-10-51-54 winning combination.

Kailangang magtungo sa main office ng PCSO sa Mandaluyong at suwerteng nanalo para makuha ang kanyang premyo.

Samantala, dalawa naman ang nagwagi ng tig-P100,000 sa nakuhang limang numero sa kombinasyon.

279 naman ang nakahula ng apat na numero, at tatanggap ng P1,500.

The post P29M lotto jackpot sinolo ng taga-Bataan first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/p29m-lotto-jackpot-sinolo-ng-taga-bataan/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=p29m-lotto-jackpot-sinolo-ng-taga-bataan)