Kumpiyansa si Labor Secretary Silvestre Bello III na maipapasa ang P30,000 na ayuda para sa mga empleyado na tinamaan ng COVID-19.

Ayon kay Bello, pirma na lang ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kulang para maipatupad ang pamimigay ng P30,000 benepisyo sa mga manggagawa.

“Merong resolusyon ang ECC (Employees Compensation Commission) diyan. Kapag tinamaan ka ng COVID sa trabaho mo, mayroon kang assistance na P30,000. One time lang po yan,” saad ng kalihim sa DZBB.

“I have no reason to doubt that the president won’t approve it…Kaya pagdating niyan sa lamesa niya, pipirmahan agad ng Presidente natin ‘yan,” aniya pa.

Sa ilalim ng ECC board resolution 21-04-14, pasok sa mga makatatanggap ng kompensasyon ang mga nagpositibong manggagawa sa RT-PCR test sa ilalim ng mga sumusunod na kondisyon.

Kailangan ay nangyari ang hawaan sa workplace, commute papasok o pauwi galing opisina, o ang trabaho ay face-to-face sa ibang tao.

The post P30K para sa mga empleyadong nagka-COVID, pipirmahan na lang ni Duterte – DOLE first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/p30k-para-sa-mga-empleyadong-nagka-covid-pipirmahan-na-lang-ni-duterte-dole/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=p30k-para-sa-mga-empleyadong-nagka-covid-pipirmahan-na-lang-ni-duterte-dole)