Arestado ang tatlong suspek sa kinasang buy-bust operation sa Tarlac City nitong Linggo, May 2.

Nahuli sina Cornelio Chumil-Ang, 33; Jomar Pallar, 24; at Marcelino Caraowa, 40; sa joint operations na isinagawa ng mga operatiba mula Tarlac Provincial Police Office Provincial Drug Enforcement Unit, Tarlac City Police Station, Integrity Monitoring and Enforcement Group, at PNP Drug Enforcement Group.

Nangyari ang pag-aresto sa tapat ng isang mall, bandang ala-1:30 ng madaling-araw, kung saan nakulimbat sa mga suspek ang 24 bloke ng hinihinalang marijuana na may street value na P4.6M.

Kasama din sa nakuha ng pulisya ang dalawang bote ng cannabis oil na may halagang P30,000 kada piraso.

Dinala na sa opisina ng PDEU ang tatlong suspek para masampahan ng kaukulang kaso.

The post P4.6M marijuana nasabat sa Tarlac first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/p4-6m-marijuana-nasabat-sa-tarlac/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=p4-6m-marijuana-nasabat-sa-tarlac)