Nasungkit ng isang mananaya ang jackpot prize kagabi, Mayo 28 ng Ultra Lotto 6/58, ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

Natumpak ng masuwerteng mananaya ang mga numerong 40-36-41-10-48-35 at makapag-uuwi ng jackpot prize na P49,500,000.

Ayon sa Facebook post ng PCSO, tinayaan ang winning ticket sa Lipa City, Batangas.

Samantala, apat naman ang nakakuha ng limang numero at magbubulsa ng tig-P120,000.

Binobola ang Ultra Lotto 6/58 tuwing Martes, Biyernes at Linggo.

The post P49M Ultra Lotto jackpot nasolo first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/p49m-ultra-lotto-jackpot-nasolo/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=p49m-ultra-lotto-jackpot-nasolo)