May 500 bilyon umano sa ilalim ng 2021 national budget na puwedeng kunin para mapondohan ang panukalang Bayanihan 3 law, ayon kay Senate Minority Leader Franklin Drilon.

“We have made our own analysis and potentially, we can review about P500 billion in the budget for activities which have not been undertaken. This is a potential source, realign it, like the NTF-ELCAC (National Task Force to End Local Communism and Armed Conflict) budget and a lot of contingent funds and other items in the budget,” sabi ni Drilon sa panayam sa ANC.

“We were looking at the various items in the budget and we can identify about 500 billion which can be realigned,” dagdag pa nito.

Nagpahayag na pagsuporta si Drilon sa pangatlong Bayanihan law dahil kailangan umano ito sa ngayon sa gitna na patuloy na paglaban ng bansa sa pandemya.

“We are in support of Bayanihan 3. We need the Bayanihan 3. The issue is the funding. Where do we get the funds? Our tax collections are at the bottom of the pit,” ani Drilon.

Ilang panukala na ang inihain sa Kongreso para sa pangatlong Bayanihan law na naglalayong tulungan ang mga Pilipino at buhayin ang ekonomiya sa gitna ng pandemya.

The post P500B sa 2021 budget ilipat sa Bayanihan 3 – Drilon first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/p500b-sa-2021-budget-ilipat-sa-bayanihan-3-drilon/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=p500b-sa-2021-budget-ilipat-sa-bayanihan-3-drilon)