Inaprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang karagdagang P5 billion sa pondo para sa mga uuwing overseas Filipino worker (OFW).

Ayon kay presidential spokesperson Harry Roque, ang P5B ay gagamitin para sa pag-quarantine ng mga OFW sa mga hotel.

“Ito po ay pambayad doon sa mga hotels dahil nga po sa mas mahabang quarantine na niri-require natin sa mga bumabalik na OFW,” saad ni Roque.

Ito’y kasunod ng sinabi ni Overseas Workers Welfare Administration chief Hans Leo Cacdac na kakailanganin nila ng P9B para ma-quarantine ang mga OFW kasabay ng pag-usbong ng mga bagong COVID-19 variant.

10 araw ang quarantine period para sa mga biyaherong papasok sa Pilipinas.

Ayon sa OWWA, nasa 545,000 OFW na ang umuwi sa ‘Pinas sa kasagsagan ng pandemya.

The post P5B dagdag pondo para sa balik-bayang OFW, pasado kay Duterte first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/p5b-dagdag-pondo-para-sa-balik-bayang-ofw-pasado-kay-duterte/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=p5b-dagdag-pondo-para-sa-balik-bayang-ofw-pasado-kay-duterte)