Kumita ng $140 million o higit P6.7-billion ang Red Hot Chili Peppers matapos na ibenta ng banda ang kanilang song catlog sa Hipgnosis.

Ayon sa report ng Billboard, ang Moebetomblame Music ang nangasiwa sa music catalog ng Red Hot Chili Peppers.

Kasama sa mga hawak na ng Hipgnosis Songs ay ang mga hits ng banda tulad ng ‘Knock Me Down’, ‘Give It Away’, and ‘Under the Bridge’.

Ilan din sa mga nabili ng Hipgnosis ay ang catlog nina Neil Young, Shakira at Timbaland.

The post P6B nahakot! Red Hot Chili Peppers binenta mga kanta first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/p6b-nahakot-red-hot-chili-peppers-binenta-mga-kanta/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=p6b-nahakot-red-hot-chili-peppers-binenta-mga-kanta)