Kinondena ng League of Filipino Students (LFS) ang pagaresto at umano’y harassment ng kapulisan sa ilang mga aktibistang nagsagawa ng magkahiwalay na protesta sa Cebu at Zambales nitong Mayo 1.

Ayon sa pahayag ng LFS, 11 sa kanilang miyembro ang naaresto sa Zambales habang 14 naman ang nadakip sa Cebu.

Ayon sa grupo, ang mga pagaresto na ginawa ng kapulisan sa kanilang mga miyembro ay patunay lamang na hinahayaan ng administrasyong Duterte ang milyong-milyong Pilipino na patuloy na maghirap sa sakit, gutom, at kawalan ng trabaho.

Nanawagan din ang LFS na agad palayain ang kanilang mga miyembro na para sa kanila’y ilegal na dinakip.

Ayon naman sa Philippine Army 3rd Mechanized Infantry Battalion, ang mga aktibista na inaresto sa Zambales ay lumabag sa social distancing protocols.

Ang paglabag din sa nasabing protocol ang dahilan ng pagaresto sa mga aktibista sa Cebu.

The post Pag-aresto sa mga aktibista noong Mayo 1, kinondena first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/pag-aresto-sa-mga-aktibista-noong-mayo-1-kinondena/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=pag-aresto-sa-mga-aktibista-noong-mayo-1-kinondena)