Bigo ang Los Angeles Lakers na manakaw ang panalo kontra Sacramento Kings, sa kabila ng pagbalik ni LeBron James sa kanilang lineup.

Nitong Sabado, oras sa Pilipinas, ay sumalang na sa court si LeBron matapos ang lampas isang buwan na pahinga dulot ng ankle sprain.

Lamang pa ng 10 puntos ang Lakers papasok ng fourth quarter, ngunit nabuhayan ang Kings matapos sungkitin ang kalamangan sa huling limang minuto.

2.7 segundo ang nalalabi ay sinubukan ni James na hablutin ang abante, ngunit mintis ang three-point shot nito at natapos ang laban, 110-106.

Nanguna para sa Sacramento si rookie Tyrese Haliburton na nag-ambag ng 23 points, 10 assists at four rebounds.

Tumapos naman si LeBron tangan ang 16 points, eight boards at seven assists.

The post Pagbalik ni LeBron, wa epek sa Kings first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/pagbalik-ni-lebron-wa-epek-sa-kings/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=pagbalik-ni-lebron-wa-epek-sa-kings)