Gumalaw na sa Kamara de Representantes ang panukalang pagtatayo ng judiciary marshal na magsisilbing security force ng Hudikatura.

Ang panukalang Philippine Judiciary Marshals Service Act (House Bill 9086) ay inaprubahan sa ikalawang pagbasa noong nakaraang linggo.

Ang Judiciary Marshal ay bibigyan ng kapangyarihan na magsagawa ng pagsusuri kaugnay ng mga posibleng banta sa mga hurado, hukom at iba pang tauhan ng hudikatura at mga tanggapan nito.

Mayroon din itong kapangyarihan na magbigay ng permit to carry sa mga lisensyadong baril.

Ang Marshals Service ay pamumunuan ng Chief Marshal na may ranggo na Associate Justice at tatlong Deputy Marshal na kapantay ng hukom ng Regional Trial Court.

Ang itatalagang Chief Marshal at Deputy nito ay dapat miyembro ng Philippine Bar at may ranggo na full Colonel sa Armed Forces o Philippine National Police o Assistant Director ng National Bureau of Investigation (NBI).

The post Paglagay ng judiciary marshal umusad sa Kamara first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/paglagay-ng-judiciary-marshal-umusad-sa-kamara/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=paglagay-ng-judiciary-marshal-umusad-sa-kamara)