Kahit sa gitna ng pandemya ay desidido ang pamunuan ng NCAA Philippines na ituloy ang pagdaraos ng ika-96 na season nito sa Hunyo 13.

Ayon kay NCAA Management Committee chairman Fr. Vic Calvo, nais nilang magbigay inspirasyon sa publiko tungkol sa pagiging matatag at hindi pagsuko sa gitna ng mga pagsubok.

“NCAA would like to show our creativity and the resiliency of Filipinos especially during the pandemic. We don’t want to easily give up, yun ang gusto naming sabihin. It’s a new normal. Dati abnormal ito, but ngayon we have to adjust to something new, adjust to the situation, and make the most out of it,” pahayag ni Calvo.

“It was a collective decision on the part of the NCAA Mancom. Mahirap kasi hindi normal ang situation and all of us were adjusting, but we decided to push through,”dagdag pa ng opisyal mula sa Letran.

Lahat ng 10 eskwelahan na bumubuo sa NCAA ay makikiisa sa paparating na season.

Ang Colegio de San Juan de Letran ang magiging host ng 96th season.

The post Pagsisimula ng NCAA season, ‘di mapipigilan first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/pagsisimula-ng-ncaa-season-di-mapipigilan/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=pagsisimula-ng-ncaa-season-di-mapipigilan)