Tinatantsa pa ni Labor Secretary Silvestre Bello III kung tatakbo siya sa 2022 elections.

“Pinag-iisipan ko talaga kasi alam mo naman, gusto ng ating pangulo ay sumubok pa ako pero syempre tignan ko muna ang aking kalusugan, kasi 77 na ako,” ayon sa kalihim sa panayam ng TeleRadyo.

Matatandaan na inudyukan ni Pangulong Rodrigo Duterte si Bello na tumakbo bilang senador.

Samantala, nagbabala naman si Bello dahil sa ilang fake social media account na nagso-solicit para sa kanya umanong pagtakbo.

Giit ng kalihim, peke ang mga naturang account at nanawagan sa publiko na huwag magpalinlang sa mga naglipanang nanghihingi ng donasyon na ginagamit ang kanyang pangalan.

“Iba po ang aking account, peke po yun, wag kayong maniwala doon para makakuha ng donasyon sa, ewan ko ba kung ano yung community pantry, baka naman ibubulsa nila yon,” saad pa ni Bello.

The post Pagtakbo sa 2022 pinag-iisipan ni Bello first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/pagtakbo-sa-2022-pinag-iisipan-ni-bello/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=pagtakbo-sa-2022-pinag-iisipan-ni-bello)