Habang patuloy ang pagsadsad ng ekonomiya sa unang bahagi ng 2021, hinikayat ni Senador Francis Pangilinan ang lahat na bumili ng lokal na produkto para mapasigla ang pagbangon ng ekonomiya.

“Mahalin natin ang sariling atin, bilhin natin ang mga lokal na produkto ng ating mga kababayan. Sa ganitong paraan kumikita sila at nakatutulong tayo sa kanilang kabuhayan. Mga halimbawa nito ay mga lokal na PPE, mga produktong agrikultural at pagkain,” sabi ni Pangilinan.

“Patuloy tayong nag-iimport ng mga PPE, samantalang maraming supply na available dito. Dahil sa kakulangan ng demand mayroong nawalan ng trabaho ang 3,500 na manggagawa,” dagdag nito.

Nauna nang sinabi ng Confederation of Philippine Manufacturers of PPE (CPMP) na hindi masyadong nakikinabang ang mga local supplier sa comprehensive procurement program ng gobyerno.

Sabi ng CPMP, 27 porsyento lang ng monthly demand ng gobyerno para sa cover-all at gowns at 69 porsyento naman ng monthly capacity ang ipinagkaloob sa local supplier at nai-deliver na noong Enero at Pebrero.

“Hindi lamang sa PPE pero pati na rin sa mga produktong agrikultura katulad ng bigas at karneng baboy. Bakit parang mas kinikilingan ang mga imported na produkto?” ani Pangilinan.

Habang nakakaranas ang pagkalugi dahil sa African swine fever (ASF), inakusahan ng mga local hog raiser ang gobyerno na tila pumapabor sa mga local importer.

Nag-isyu na ang Palasyo ng Executive Order 128 na nagbabawa sa taripa ng imported na baboy na maaaring magresulta sa pagkalugi ng gobyerno ng P11 bilyon sa traffic collection.

Noong Martes, nagdeklara ang Malacañang ng nationwide state of calamity dahil sa ASF.

“We can boost the economy by buying local products, or if we can, buy directly from farmers, hog raisers, fishers. It is beneficial for everyone. Kung may kakilala kayo na nagbebenta ng mga lokal na produkto, suportahan natin sila,” ani Pangilinan.

“Pag kumikita ang mga suppliers, dadami ang supply, pag dumami ang supply, bababa ang presyo sa merkado. It is a positive chain of effect. Lahat panalo,” sabi pa ng dating food secretary.

The post Pagtangkilik sa produktong Pinoy susi sa pagbangon ng ekonomiya – Pangilinan first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/pagtangkilik-sa-produktong-pinoy-susi-sa-pagbangon-ng-ekonomiya-pangilinan/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=pagtangkilik-sa-produktong-pinoy-susi-sa-pagbangon-ng-ekonomiya-pangilinan)