Nilalakad na ng Prelature ng Isabela ang beatification para kay Fr. Rhoel Gallardo, isang Claretian priest na nasawi sa kamay ng mga rebelde.

Sa May 3 ay bubuksan ang ’cause of martyrdom’ para kay Fr. Gallardo na gaganapin sa isang misa sa San Vicente Ferrer Parish Church sa Tumahubong, bayan ng Sumisip, Basilan kung saan huling nagsilbing parish priest si Gallardo.

Si Gallardo ay isa sa mga dinakip ng Abu Sayyaf Group kasama ang apat na guro at mga estudyante mula Claret School of Tumahubong noong 2000.

Nasawi si Gallardo matapos siyang maipit sa putukan ng rebeldeng grupo habang siya’y hostage.

Nakita sa katawan ni Gallardo ang ilang tama ng bala, pati na rin ang mga senyales na ito’y na-torture.

Ayon sa ilang testigo, umalalay si Fr. Gallardo sa mga babaeng guro na kasama niyang nabihag.

Inalala din ng mga nakaligtas ang mga payo ng pari na huwag mawalan ng pag-asa at laging magdasal, kahit pinagbabawalan sila ng rebeldeng grupo kung saan pinilit pa umano silang itakwil ang Kristiyanismo.

The post Pari na pinaslang ng Abu Sayyaf, posibleng maging santo first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/pari-na-pinaslang-ng-abu-sayyaf-posibleng-maging-santo/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=pari-na-pinaslang-ng-abu-sayyaf-posibleng-maging-santo)