Aabot sa 12 aktibista ang hinarang ng mga pulis kasabay ng protesta para sa Labor Day nitong Sabado.

Dinakip ang mga demonstrador sa bayan ng Castillejos, Zambales, kung saan papunta sana ang mga ito sa Angeles City, Pampanga.

Ayon kay Zambales Provincial Police acting director Romano CardiƱo, hinuli ang mga aktibista dahil hindi nasunod ang physical distancing habang sakay ng 15-seater na sasakyan.

Bigo rin umano ang mga indibidwal na ipakita ang kanilang mga ID, at ayaw rin umanong magpakilala ng mga ito.

Tingin naman ng League of Filipino Students, tila inabangan daw ng pulis ang sasakyan ng mga aktibista.

“Sa disobedience naman ay dapat lamang naman na usisiin yung paratang at dahil nga binuksan agad yung sasakyan doon sa checkpoint nang walang paalam,” ayon sa grupo.

“Tapos nakita nila ang mga placards, nagsambit pa sila ng mga salita na tila ba inaabangan talaga nila ang sasakyan,” lahad pa.

Dinala sa Castillejos Municipal Station ang mga aktibista at kinakailangang magpiyansa ng P66,000.

The post Pasaway daw sa health protocol: 12 aktibista inaresto sa Zambales first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/pasaway-daw-sa-health-protocol-12-aktibista-inaresto-sa-zambales/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=pasaway-daw-sa-health-protocol-12-aktibista-inaresto-sa-zambales)